Ika-122 police service anniversary, ipinagdiwang ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang pagdiriwang ng ika-122 founding anniversary ng ‘police service’ sa Camp Crame ngayong araw.

Si Senate President Juan Miguel Zubiri ang panauhing pandangal sa okasyon na may temang “Nagkakaisang Pulisya at Pamayanan tungo sa Mapayapa at Maunlad na Bansa.”

Sa kanyang talumpati, ibinida ni Acorda ang pagpapababa ng crime rate sa bansa dahil sa mas epektibong police operations.

Ayon kay Acorda, mahigpit nilang tinutukan ang Capability Enhancement Program ng PNP at pagtatayo ng 140 building at facilities ng pulisya para sa mas maayos na serbisyo.

Naging epektibo aniya ang National Police Clearance System na naging daan para mahuli ang ilang indibidwal na nagtatago sa batas.

Binigyang diin ni Acorda na sa gitna ng mga kinaharap na hamon ng PNP ay nananatili silang matatag at patuloy na tinutupad ang mandato na protektahan ang kapakanan ng publiko. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us