Apat na pekeng nagno-notaryo, inaresto ng CIDG sa Pampanga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group CIDG ang apat na suspek na sangkot sa pamemeke ng serbisyo ng notaryo sa Mc. Arthur Highway, Brgy. Sto Domingo, Angeles City.

Sa ulat ni CIDG Director Police MGen. Romeo Caramat kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., kinilala ang mga suspek na sina Emeraldo Salenga Rosete, Rachel Ann Bognot Julian, Fatima Calumba, at Lourdes Dizon Reyes.

Ang unang tatlong suspek ay nagtatrabaho sa Alpha Insurance Services Popoy and Yen, kung saan si Rosete ay nagpapanggap bilang isang Atty. Jaime Manaclang; habang si Reyes naman ay empleyado ng LD Insurance Services.

Narekober sa mga suspek ang mga pekeng notarial seal at stamp, stamp pad, mga notarized na dokumento, laptop at makinilya

Ayon kay Caramat, ikinasa ang operasyon laban sa mga suspek base sa impormasyon mula sa IBP-Pampanga Chapter, IBP Central Luzon na talamak ang pekeng notary services sa Angeles City partikular sa Brgy. Sto Domingo. | ulat ni Leo Sarne

📷: CIDG

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us