Nagsagawa ng groundbreaking ceremony ang Department of Transportation o DOTr para sa expansion ng active transport infrastructure sa Laoag, Ilocos Norte ngayong araw.
Ang naturang proyekto ay may lawak na 3.20-km na Class 1 at Class 2 bike lanes sa kahabaan ng Laoag Bypass Road.
Layon nitong maisulong ang active transport sa lalawigan o paggamit ng bisikleta bilang pang-araw-araw na transportasyon.
Pinangunahan ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang groundbreaking ceremony kasama ang ilang opisyal ng Lokal na Pamahalaan ng Ilocos Norte.
Ayon kay Bautista, bukod sa pagpapalawak pa ng bike lanes, makatutulong ang proyekto para maisulong ang kaligtasan ng mga siklista.
Dagdag pa ng Kalihim, plano ng DOTr na magtayo ng marami pang bike lanes sa iba’t ibang lugar sa bansa na makatutulong na maprotektahan ang kalikasan mula sa carbon emissions ng mga saksakyan.
Target naman matapos ang nasabing proyekto sa ika-apat ng quarter ngayong taon kung saan inaasahan libo-libo ng mga ilocano active transport user ang mabe-benepisyuhan. | ulat ni Diane Lear