Single Ticketing System, ipinapatupad na sa Navotas City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Simula ngayong araw, Agosto 15 ,ipinapatupad na sa Navotas City ang “No Confiscation Policy” sa drivers license ng mga motorista na lumabag sa batas trapiko.

Sa abiso ng pamahalaang lungsod ng Navotas, susundin na rin ang halaga ng multa sa traffic violations ayon sa Single Ticketing System sa Metro Manila Traffic Code.

Para naman sa mga driver, maaaring bayaran ang multa ng traffic violation sa City Traffic & Parking Management Office sa ground floor ng Navotas City Hall o di kaya ay online gamit ang website na https://online.navotas.gov.ph

Kailangang gawin ito sa loob ng 10 araw mula nang maisyuhan ng Ordinance Violation Receipt.

Samantala, sa buwan ng Setyembre, ganap nang ipapatupad ang single-ticketing system sa Navotas City kasama ang mga lungsod ng Taguig, Pateros, Malabon, Las Pinas, at Marikina.

Noong Mayo, pitong syudad sa National Capital Region ang kabilang sa nagpatupad ng single-ticketing system. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us