Ilang motorista sa Ortigas Ave. sa Mandaluyong, natiketan ng MMDA dahil sa obstruction

Facebook
Twitter
LinkedIn

Puspusan ang ginagawang pagsuyod ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga kalsada na malapit sa mga paaralan.

Ito ay bahagi ng paghahanda ng ahensya sa pagbabalik eskwela sa August 29.

Kaugnay nito, ay ilang motorista na nakatigil sa harapan ng La Salle Green Hills sa Ortigas Avenue, Mandaluyong City ang natiketan ng mga traffic enforcer ng MMDA dahil sa obstruction.

Sa pag-iikot ng mga traffic enforcer sa lugar, naabutan ang mga sasakyan na nakaparada at naghihintay sa harap ng paaralan kung saan nasakop na ang dalawang lane ng kalsada.

Nagdulot ito ng pagbigat ng trapiko sa lugar dahil sa nakahambalang na mga sasakyan.

Batay sa datos ng MMDA, umabot sa 12 motorista ang natiketan sa ginawang operasyon kanina.

Ayon sa MMDA, nakatutok ang kanilang mga traffic enforcer sa mga paaralan sa mga pangunahing lansangan gaya ng EDSA ngayong panahon ng pagbubukas ng klase. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us