Nasa 27 lugar sa bansa ang itinuturing ng Philippine National Police (PNP) bilang potensyal na hotspot sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Sa joint press conference ng PNP, kasama ang Commission on Elections (COMELEC) kahapon, sinabi ni PNP Deputy Chief for Operations Lieutenant General Michael John Dubria, na ang mga lugar na ito ay isasailalim sa “red category” o “areas of grave concern”.
Ang red category ang pinakamataas na antas kasunod ng orange, yellow at green sa klasipikasyon ng sitwasyong panseguridad ng PNP para sa BSKE.
Ayon kay Dubria, 37,683 lugar sa bansa ang nasa green category na generally peaceful and orderly, at hindi itinuturing na security of concern.
Habang 4,085 naman ang nasa yellow category, na may kasaysayan ng karahasan sa nakaraang eleksyon.
Habang 232 lugar ang nasa orange category, na pangalawang pinakamataas at itinuturing na area of immediate concern dahil sa seryosong armadong banta. | ulat ni Leo Sarne