Suppliers na sangkot sa P149-M kwestyonableng transaksyon sa Mexico, Pampanga LGU, pinahahanap sa awtoridad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipina-subpoena ng House Committee on Public Accounts ang tatlong supplier na sangkot sa umano’y kuwestyunableng transaksyon sa Mexico, Pampanga, LGU.

Mismong si Public Accounts Chair Joseph Stephen Paduano ang nag-atas na ipa-subpoena sina Aedy Tai Yang, Rizalito Dizon at Roberto Tugade dahil sa patuloy na hindi pagdalo sa pagdinig ng komite sa transaksyon ng lokal na pamahalaan ng Mexico sa pangugnuna ni Mayor Teddy Tumang.

Katunayan, hiningi pa ni Paduano ang tulong ng Philippine National Police sa Pampanga sa paghahanap sa tatlo.

Sina Dizon at Tugade ay tinukoy na equipment at medical supplier, habang si Yang naman ang nagbenta sa Mexico municipal government ng isang hektaryang lupa na tatayuan ng municipal hall sa halagang P2,950 per sqm.

Sa pagdinig ay kinuwestyon ni SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta na maliban sa napakamahal na pagbenta ni Yang sa lupa ay nagbenta rin sa LGU ng lupa ang mag-asawang Arnel at Sonia Pangilinan sa halagang mahigit P50 milyon.

Ayon kay Marcoleta nakamura sana ang munisipyo kung binili ang mga lupa sa pamamagitan ng expropriation.

“Since these were purchased for P300 per square meter, you could have offered P500 and saved your town about P65 million. The sellers would have had no choice but to sell because it is the right of government to resort to expropriation in case of a badly needed property,” sabi ni Marcoleta kay Mayor Tumang.

Ngunit tugon ni Tuman na hindi nito alam na maaaring gamitin ang expropriation sa pagbili ng lupa.

Matapos i-audit ang P149 milyong kinukuwestyong transaksyon, dinis-allow ng Commission on Audit ang P82 milyon dito at ibinalik naman ni Tumang at kanyang mga kasama ang P43 milyon sa naturang halaga. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us