Taiwanese kidnap victim, nailigtas; 2 Chinese suspk, arestado ng PNP sa Malabon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naligtas ng Philippine National Police ang isang Taiwanese kidnap victim sa Block 5 Oak Street, Victoneta North, Barangay Potrero, Malabon City kagabi.

Sa ulat ni Malabon City Police Chief PCol. Jonathan Tangonan kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., kinilala ang nailigtas na biktimang si Wang Hui-Xin, 35 y/o, Taiwanese na resident ng Bonifacio Global City (BGC).

Natunton ng mga pulis ang lokasyon ng biktima sa pamamagitan ng GPS sa kanyang telepono, matapos na magsumbong sa Malabon City Police Station ang isang Taiwanese na lalaki tungkol sa pagdukot sa biktima.

Sa inilunsad na rescue operation, naaresto ang dalawang lalaking Chinese suspek na kinilalang sina: Zheng Xi Lin, 34; at Ma Pun Xin, 36, parehong residente ng bahay kung saan narekober ang biktima.

Sa salaysay ng biktima, dinukot siya ng pitong Chinese na lalaki sa Malate, Maynila noong Agosto 14, at dinala ng nakapiring sa bahay ng mga suspek sa Malabon, kung saan ginahasa siya ng dalawang beses noong Agosto 18.

Ayon sa biktima, nakapagbigay din siya ng mahigit sa 120,000 dolyar sa ilang serye ng bank transfer habang bihag ng mga suspek. | ulat ni Leo Sarne

📸: MCPS

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us