PCA, tiniyak na kontrolado ang sitwasyon ng pest infestation sa coconut scale sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Philippine Coconut Authority (PCA) na under control na ng pamahalaan ang pest infestation sa coconut scale sa buong bansa.

Pahayag ito ni PCA Deputy Administrator Roel Rosales, nang hingan ng update kaugnay sa estado ng coconut scale insect infestation sa Anahawan, Southern Leyte.

Sa briefing ng Laging Handa, ipinaliwanag ng opisyal na dahil sa nagbabago ang panahon sa bansa, kaya’t nagkaakaroon ng pest infestation.

Gayunpaman, wala aniyang dapat na ikabahala ang coconut farmers at mga mamumuhunan sa linyang ito, lalo’t under control ng PCA ang sitwasyon.

“Pero gusto ko pong i-assure ang ating mga coconut farmers, ang ating mga investor na under control ang ating pest infestation all over the country. Sa awa ng Panginoon ay wala naman pong naging resurgence ng coconut scale insect infestation in the country such that hindi katulad noong dati na malawakan. Ngayon pasulput-sulpot, yes mayroon, pero nasusugpo naman po agad.” —PCA Rosales.

Ayon sa opisyal, una na rin silang nagpadala ng mga eksperto sa Anahawan, Southern Leyte, upang makapagsagawa ng evaluation sa sitwasyon, at upang matukoy rin ang nararapat na intervention sa lugar.

“Nagpapunta po kami ng aming mga expert diyan para po ma-evaluate iyong situation so that we can come up with the proper intervention. Kasi nagbabago nga ho ang panahon kaya every now and then nagkakaroon po tayo ng mga pest infestation.” —PCA Rosales. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us