Dalawang suspek sa illegal detention at robbery extortion sa Pasay City, arestado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Arestado ang dalawang suspek sa isinagawang operasyon ng Pasay City Police hinggil sa illegal detention at robbery extortion sa isang Chinese na ikinulong sa isang hotel sa Pasay City.

Ang kasama ng naturang Chinese national ay tumungo sa tanggapan ng station 3 ng Libertad Pasay Police precinct upang isumbong ang naturang insidente.

Nahuli ang dalawang suspek na ang isa ay miyembro ng Phillipine National Police na si Lordgin Antonino Mempin, 39 taong gulang at ang kasama nitong si Nelson Antonino Mempin Jr., 20 taong gulang.

Naaresto ang dalawang suspek at nasagip ang bihag na Chinese national sa Qing Qing Hotel sa Pasay City.

Narekober sa mga suspek ang isang (1) unit ng 9mm taurus, magazine, 14 piraso ng 9mm live ammunition, PNP ID, pulang pitaka,14 piraso na 1,000 peso bills, limang iba’t ibang identification cards, at tatlong cellphones. | ulat ni AJ Igancio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us