Pagkawala ng 2 aktibista sa Bataan, iniimbestigahan na ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakikipag-ugnayan na ang Philippine National Police (PNP) sa magulang ng 2 batang aktibista na napaulat na dinukot sa bayan ng Orion, lalawigan ng Bataan.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, P/Col. Jean Fajardo, iniulat sa kanila ng Bataan Provincial Police Office na batid na ng mga magulang nila Jhed Tamano at Jonila Castro.

Sina Tamano at Castro ay pawang mga Environmental at Human Rights Defender na ayon sa grupong Karapatan ay dinukot umano ng mga armadong lalaki sa Orion noong gabi ng Setyembre a-2.

Sinabi ni Fajardo na maliban sa mga magulang ay may mga hakbang na ring ginagawa ang PNP sa pakikipag-ugnayan na rin nito sa Commission on Human Rights (CHR) upang makumbinsi sina Tamano at Castro na umuwi na.

Gayunman, mariing pinabulaanan ni Fajardo ang paratang ng mga militante na pawang mga Pulis at Sundalo umano ang dumukot sa 2 aktibista.| ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us