Libreng sakay para sa mga lalahok sa Peñafrancia Festival sa Naga, ipagkakaloob ng PNR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ng Department of Transportation o DOTr na magkakaloob ng libreng sakay ang Philippine National Railways o PNR para sa mga lalahok sa taunang Peñafrancia Festival sa Naga City, Camarines Sur.

Gayunman, nilinaw ng PNR na para lamang ito sa mga Senior Citizen gayundin sa mga Person with Disabilities o PWDs.

Ayon sa DOTr, magsisimula ang libreng sakay mula Setyembre 16 hanggang 17 sa mga rutang Naga patungong Ligao at pabalik gayundin ang biyaheng Naga patungong Sipocot at pabalik.

Ang Peñafrancia Festival sa Naga City ay isa sa mga pinakamalaking pagdiriwang sa Pilipinas bilang pagbibigay pugay sa kanilang patron na Nuestra Señora de Peñafrancia. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us