Aabot sa 39 na tauhan ng Quezon City Police District ang natukoy na may kamag-anak na tatakbo sa nalalapit na Barangay ay SK Elections.
Ayon kay QCPD Acting District Dir. PBGen. Red Maranan, ililipat muna ng assignment ang mga pulis na ito na malayo sa Quezon City.
Ito ay upang masigurong hindi magkakaroon ng vested interest ang mga tauhan ng PNP.
Sinabi ni PBGen. Maranan, naisumite na nito sa PNP ang listahan ng mga pulis na ililipat o irere-assign bago mag-eleksyon.
Sa darating na eleksyon, buong pwersa ng QCPD ang target na i-deploy ni Maranan kung saan 900 ang tututok sa mga ‘election related’ areas gaya ng polling precints, NPO, at mga tanggapan ng Comelec sa anim na distrito sa QC. | ulat ni Merry Ann Bastasa