Nakalatag na ang security measures ng Quezon City Police District para sa nalalapit na 2023 Barangay at SK Elections.
Ngayong araw, pinangunahan ni QCPD Chief PBGen. Red Maranan ang pagde-deploy ng nasa 179 body-worn cameras na gagamitin ng mga pulis sa pagbabantay sa polling centers.
Iprinesenta rin ang mga high-tech drone camera na ide-deploy sa eleksyon. Ayon kay Gen. Maranan, sa tulong ng mga ito, mas magiging maigting pa ang monitoring ng pulisya sa araw ng halalan.
Bukod dito, inilunsad din ng QCPD ang District Motorcycle Anti-Criminality Reaction Team – Task Force (DART) ngayong araw na tututok sa pagpapaigting ng kampanya kontra kriminalidad sa lungsod.
Sa ngayon, walang pang namo-monitor na election-related incident at nanatiling nasa green category ang Quezon City pagdating sa eleksyon.
Gayunman, nananatili aniyang nakaalerto ang QCPD sa posibilidad na magkaroon ng tensyon sa BSKE. Nagpapatuloy rin ang threat assessment ng QCPD sa 6,000 kandidato sa lungsod. | ulat ni Merry Ann Bastasa