Dayuhan na nanakit ng airport police sa NAIA, arestado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Arestado ang isang American national matapos manuntok ng airport police at nanakal pa ng airport security sa NAIA terminal 3.

Ayon kay Airport Police Chief Froilan Sanchez, nangyari ang insidente sa NAIA terminal 3 pasado alas-sais ng gabi kung saan bumaba ang suspek ng taxi mula Makati kung saan hinabol ito ng driver dahil hindi pa nagbayad ang dayuhan.

Bigla nalang pumasok ang dayuhan na kinilalang si Tyrone Benneti sa airport kung saan sinita siya ng mga security, subalit walang maipakitang plane ticket at dokumento si Tyrone.

Dito na siya nagsimulang magwala at iniwasiwas niya ang kanyang bagahe sa mga airport security.

Sinubukan pang pakalmahin ng APD at PNP aviation ang dayuhan subalit sinuntok nito si APD Officer 1 John Carlo Carbonel at sinakal naman ang isang security guard.

Dahil dito pinagtulungan na ng mga security APD at PNP aviation ang suspek para tumigil sa pagwawala ang dayuhan at tuluyan itong pinosasan.

Sa ngayon, nakakulong na ang nasabing dayuhan sa APD detention cell kung saan ito nahaharap na patong-patong na kaso. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us