Tatlong indibidwal na nagbebenta ng registered SIM cards, inaresto ng NBI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naaresto na ng National Bureau of Investigation- Cybercrime Division ang tatlong indibidwal na nagbebenta ng registered Subscriber Identity Module o SIM cards sa Pasay City at Las Piñas City.

Unang dinakip ng NBI agents sa isang convenience store sa Malibay, Pasay City si Beverly Cruz. Sunod sina Keone Gabrielle Lebumfacil at Aljon Christian Reyes na nahuli naman sa Pilar Road, Las Piñas City.

Dinakip ang tatlo sa isinagawang entrapment operation ng NBI agents.

Bago ito, nakatanggap ng impormasyon ang NBI kaugnay sa bentahan ng registered SIM cards sa Facebook. Partikular na tinukoy ang SIM CARD PHILIPPINES BUYING AND SELLING Group.

Ayon sa NBI, ang mga ibinebentang registered SIM cards ay ginagamit diumano sa panloloko tulad ng online scams.

Kasong paglabag sa Sim Registration Act Cybercrime Prevention Act of 2012 ang isinampa na sa tatlong indibidwal sa Pasay City Prosecutors Office at Las Piñas City Prosecutors Office. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us