Maaari nang iakyat sa lamesa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang batas na magpapadali sa proseso ng pagbabayad ng buwis at VAT refund.
Ito’y matapos kapwa ratipikahan ng Senado at Kamara ang Ease of Paying Taxes Bill.
Ayon kay Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, ito na ang pinaka pro-taxpayer reform na ikakasa ng pamahalaan sa loob ng ilang dekada sa pamamagitan ng pag-digitize sa pagbabayad ng buwis.
“This will drag the tax system out of the past century and into the internet age. With EOPT, we now have a fully digital-ready tax system that caters to the global Filipino,” ani Salceda.
Ilan pa sa reporma ay ang pag-alis sa P500 registration fee, pagbuo ng micro, small, and medium taxpayer services sa Bureau of Internal Revenue para sa maliliit na negosyo, pagpapahintulot sa online transfer of registration at pagiging exempt ng mga OFW sa paghahain ng income tax return.
“[This is] a frequent lament because OFWs cannot register for TIN, a requirement for investing in stocks. We also exempted OFWs from having to file tax returns if they earn income solely from abroad,” dagdag ng House tax chief.
Padadaliin na rin aniya ang pagproseso ng VAT refund lalo at nadedehado aniya rito ang investors. | ulat ni Kathleen Jean Forbes