Kinumpirma ng Quezon City Police District na negatibo sa bomba ang San Francisco High School sa Bago Bantay, QC
Kasunod ito ng bomb threat na bumulabog sa eskwelahan kaninang umaga at naging dahilan ng maagang pagpapauwi sa mga estuydnate at mga guro.
Sa inilabas na report ng QCPD, sinabing nagmula ang bomb threat sa isang facebook account na natanggap ng isang guro.
Agad namang nagtungo ang EOD bomb squad para magsagawa ng paneling operation.
Dito natukoy na walang anumang bomba o hazaradous materials sa loob ng eskwelahan.
Kaugnay nito, sinuspinde na ang panghapong klase sa naturang eskwelahan para sa junior at senior high school students. | ulat ni Merry Ann Bastasa