Pagkakasabat ng CIDG ng isang katutak na iligal na armas sa Marikina, pinuri ng PNP chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binati ni PNP Chief Police Gen. Benjamin Acorda Jr. ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa matagumpay na operasyon sa Marikina kung saan 53 samu’t saring iligal na armas ang narekober mula sa isang arestadong suspek.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame ngayong umaga, iprinesenta ng PNP Chief ang mga nakuhang armas na kinabibilangan ng 26 na long firearms at 27 short firearms.

Ayon sa PNP Chief, ang matagumpay na raid nitong Biyernes ay isinagawa sa bisa ng dalawang search warrant na inisyu ng Regional Trial Court ng National Capital Judicial Region sa Marikina.

Nagpahayag ng pagkabahala si Gen. Acorda sa lawak ng operasyon ng suspek na hindi muna kinilala, kung saan ilan sa kanyang mga kliyente ay mga high-profile gun enthusiasts, uniformed personnel ng AFP at PNP, at maging mga politiko.

Ayon pa sa Heneral, bukod sa hindi lisensyadong gun dealer ang suspek, ginagawa pa niya ang kanyang pagbebenta sa pamamagitan ng online platforms.

Sinabi ng PNP Chief na ang pinaigting na kampanya laban sa iligal at loose firearms ay bahagi ng pagtiyak ng mapayapa at maayos na Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE). | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us