QCPD chief, humingi ng paumanhin kay VP Sara at sa publiko sa viral video ng pagpapahinto ng trapiko sa Commonwealth Avenue

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-sorry si QCPD Chief Police BGen. Red Maranan kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng viral video sa Commonwealth Avenue kung saan nadamay ang pangalan ng bise presidente nang pahintuin ng isang pulis-QC ang trapiko sa naturang kalsada.

Sa isang pahayag, humingi ng paumahin si QCPD Gen. Maranan sa pagkakahatak pa ng pangalan ni VP Sara sa insidente gayong wala naman ito sa lugar noong mga panahong iyon.

“We extend our apologies to the Office of the Vice President for any unintended association with this matter, as the VP was not the subject of the security measures taken during that time.”

Humingi rin ito ng tawad sa publiko sa idinulot na abala at pagkalito dahil sa sitwasyon.

“We acknowledge that there may have been inconvenience and misunderstandings caused to the public during this incident. Your QCPD sincerely apologizes for any inconvenience and confusion brought on by the situation.”

Kasunod nito, nilinaw naman ng QCPD Chief na walang kinalaman sa politika ang nangyaring pagpapahinto ng trapiko sa Commonwealth Ave.

Punto nito, ang pagmamando ng trapiko ay talagang bahagi ng kanilang tungkulin sa paghahatid ng seguridad kapag may mga VIP na gaya ng diplomats, elected government officials, at state guests.

“The QCPD would like to clarify that the recent traffic management operation was not, in any manner, related to politics.”

Nananatili rin aniya ang commitment ng pulisya na tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng lahat ng mamamayan, anuman ang kanilang kinatatayuan sa buhay.

Una na ring ipinaliwanag ng QCPD Station 14 na nalito at nag-overreact lamang ang pulis sa video na si Sgt. Pantallano nang marinig na may paparating na VIP kaya pinahinto nito ang trapiko sa Commonwealth Ave. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us