Isang dosenang loose firearms, isinuko ng mga kandidato sa BSKE sa North Cotabato

Facebook
Twitter
LinkedIn

Boluntaryong isinuko sa 90th Infantry Battalion ng mga kandidato sa Barangay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE) sa M’lang, North Cotabato ang isang dosenang loose firearms bago nagsimula kahapon ang opisyal na campaign period.

Iprinisinta ang mga armas kay M’lang Mayor Russel Abunado; Vice-Mayor Joselito Piñol; Provincial Election Supervisor Atty. Myla Luna, 90IB Commanding Officer Lt. Col. Rowel Gavilanes, at M’lang Chief of Police Lt. Col. Realan Mamon, sa Municipal Gymnasium sa Barangay Poblacion B ng naturang bayan.

Ang mga armas ay kinabibilangan ng apat na 12-gauge shotgun, tatlong Cal .38 revolvers, dalawang 9mm pistols, isang Cal .50 Barret sniper rifle, at dalawang 40mm M79 grenade launchers.

Ang pagsuko ng mga armas ay resulta ng peace and security campaign ng AFP, PNP at Comelec sa lugar para masiguro ang maayos at mapayapang BSKE.

Nagpasalamat naman si Western Mindanao Commander, Maj. Gen. Steve Crespillo sa mga kandidato sa kanilang kooperasyon. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us