Inilatag na seguridad ng PNP para sa Undas, iinspeksyunin ni Gen. Acorda

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iinspeksyunin ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang sitwasyon sa Manila North Cemetery ngayong araw para masiguro na maayos ang inilatag na seguridad ng PNP sa paggunita ng Undas.

Una nang inanunsyo kahapon ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo na aabot sa 27,161 pulis ang ipakakalat sa iba’t ibang sementeryo, memorial parks, at major thoroughfares kabilang ang transportation hubs.

Kasama rin sa paghahanda ng PNP para sa okasyon ang pagtatatag ng 4,866 Police Assistance Desk na tutugon sa iba’t ibang pangangailangan ng publiko.

Pinaalalahanan naman ni Fajardo ang publiko na huwag dalhin ang mga maliliit na bata, matatanda, at buntis dahil sa inaasahang dami ng mga magtutungo sa mga sementeryo.

Iwasan din aniya ang pagbibitbit ng mga matutulis na bagay, alak o inuming nakalalasing, at malaking halaga ng pera.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us