PNP Chief, binati ang mga pulis sa mahusay na serbisyo mula BSKE hanggang Undas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binati ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang lahat ng pulis sa kanilang tuloy-tuloy na mahusay na pagpapatupad ng seguridad sa magkasunod na Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) at Undas 2023.

Ang pahayag ay ginawa ng PNP Chief matapos magsagawa ng inspeksyon sa Manila North Cemetery ngayong umaga.

Ayon sa PNP Chief, alam niyang pagod ang mga pulis sa dalawang magkasunod na malaking kaganapan sa bansa, pero nawawala aniya ang pagod kapag nakakatanggap ng magandang feedback mula sa publiko ang kapulisan.

Kaugnay nito, sinabi ng PNP Chief na kailangan din magpahinga ang mga pulis kaya ibababa ang full alert status ng PNP pagkatapos ng Undas.

Pero nasa diskresyon ng area commanders kung palalawigin ito sa kanilang nasasakupan depende sa sitwasyong panseguridad. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us