Tinatayang mahigit 20k, bibisita sa mga sementeryo sa Mandaluyong City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsisimula na ring dumagsa ang mga bumibisita sa mga sementeryo sa Mandaluyong City ngayong Undas.

Ayon sa Mandaluyong LGU, nasa 5,000 ang inaasahan nilang daragsa sa San Felipe Catholic Cemetery habang tinataya namang aabot sa 20,000 ang bibisita sa Garden of Life Columbarium

Taliwas sa ibang sementeryo, tumatalima naman ang mga Mandaleño sa hindi pagdadala ng mga ipinagbabawal na bagay gaya ng mga matatalas na bagay, pintura, malalakas na speaker at iba pa.

Gayunman, hindi kinukumpiska sa San Felipe Catholic Cemetery ang mga lighter subalit mahigpit na ipinagbabawal ang paninigarilyo sa loob.

24 oras bukas ang San Felipe Catholic Cemetery ngayong araw subalit bukas, Nobyembre 2 ay hanggang alas-10 lamang ng gabi ito maaaring puntahan ng mga taga-rito.

Samantala, una nang nag-uwi ng urn o sisidlan ng abo ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay sa Garden of Life para naman sa mga nagnanais maging pribado ang kanilang paggunita ng Undas. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us