Boluntaryong sumuko sa Headquarters ng 101st Infantry Brigade sa Barangay Tabiawan, Isabela City, Basilan, ang tatlong sangkot sa insidente ng pamamaril sa Lamitan, Basilan noong araw ng halalan.
Kinilala ni 101BDE Commander Brigadier General Alvin Luzon ang mga sumuko na sina Abdulla Panglias, Abzhar Panglias, at Jhulbin Suntul.
Kasabay nilang isinuko ang isang M653 rifle, isang Cal .45 Colt, isang magazine, at and 10 bala.
Ang mga suspek at ebidensya ay tinurn-over ng militar sa kustodiya ng Lamitan City Police Station, sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Arlan Delumpines, para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.
Binati ni Western Mindanao Command (Westmincom) Commander Major General Alex Rillera ang mga tropa sa kanilang pag-“facilitate” sa pagsuko ng mga lawless element. | ulat ni Leo Sarne