Chinese kidnap victim, nasagip ng AKG ngayong umaga sa Muntinlupa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo ka nailigtas ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) ang isang Chinese kidnap victim sa operasyon kaninang alas-7 ng umaga sa Muntinlupa.

Ayon kay Fajardo, naaresto ng AKG ang 3 Pilipinong suspek sa kidnapping.

Dinukot ang biktimang negosyante kahapon sa isang establisyimento sa Parañaque, at pinatutubos sa mga kamag-anak sa halagang P3.5 milyon.

Agad namang ikinasa ng AKG ang rescue operation matapos na makarating sa kanilang kaalaman ang insidente at matunton ang lokasyon ng biktima.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng AKG ang biktima. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us