Facial composite sketch ng isa sa suspek sa pagpatay sa radio broadcaster sa Misamis Occidental, inilabas ng pulisya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilabas ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo ang facial composite sketch ng isa sa mga suspek sa pagpatay sa radio broadcaster na si Juan Jumalon sa Calamba, Misamis Occidental.

Ayon kay Fajardo ito ang larawan ng kasama ng gunman, na nagbantay sa gate ng bahay ng broadcaster, matapos na papasukin ang dalawang suspek na nagpanggap na mananawagan.

Batay sa impormasyon mula sa kay Police Colonel Dwight Monato, Provincial director ng Misamis Occidental Police, tinatayang nasa 5’5 hanggang 5’6 ang taas ng suspek, may edad na 40 taong gulang pataas at kayumangging ang kulay ng balat.

Nakasuot aniya ang suspek ng kulay pulang sumbrero, kulay green na t-shirt at kulay itim na shorts nang mangyari ang krimen.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek. Nanawagan ang PNP sa sinumang may impormasyon sa kinaroroonan ng suspek na agad na ipagbigay alam sa pulisya. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us