Inanunsiyo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairperson Atty. Don Artes, na sa November 13 na ipatutupad ang mas mataas na multa sa mga hindi awtorisadong sasakyan na pumapasok sa EDSA-Bus Carousel Lane.
Sa ilalim ng MMDA Regulation No. 23-002, sinabi ni Artes na ang mas mataas na multa ay:
First Offense – P5,000; Second Offense – P10,000 at isang buwang suspension ng driver’s license; Third Offense – P20,000 at isang taong suspension ng driver’s license; Fourth Offense – P30,000 at rekomendasyon sa Land Transportation Office ng revocation ng driver’s license.
Paglilinaw naman ni Artes, ang naturang hakbang ay hindi maituturing na panggigipit sa mga mahihirap at hindi upang makalikom ng pera.
Sa huli, muli naman paalala ni Artes sa mga pasaway na dumadaan sa natruang bus lane, huwag nang dumaan dito upang hindi mauwi sa malaking multa. | ulat ni AJ Ignacio