Pabor ang maraming motorista na taasan ang multa sa mga hindi awtorisadong gagamit o dadaan sa EDSA Bus Carousel Lane.
Reaksiyon ito ng ilang motorista matapos aprubahan ng Metro Manila Council ang mas mataas na multa simula sa Nobyembre 13.
Alinsunod sa MMDA Regulation No. 23-002, sinumang lalabag ay papatawan ng multa na P5,000 sa first offense; P10,000 sa second offense at isang buwang suspensyon ng driver’s license, at sasailalim sa road safety seminar.
Habang sa third offense ay pagmumultahin ng P20,000 at isang taong suspension ng driver’s license at; P30,000 sa fourth offense at irerekomenda sa Land Transportation Office ang revocation ng driver’s license.
Ayon sa ulat ng MMDA, bubuo sila ng strike force para tumulong sa gagawing panghuhuli. | ulat ni Rey Ferrer