Kaso ng pagpaslang sa isang broadcaster sa Misamis Occidental, iniimbestigahan na rin ng CHR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkasa na rin ng sariling imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) sa kaso ng pamamaslang sa radio broadcaster sa Misamis Occidental na si Juan Jumalon o mas kilala bilang ‘DJ Johnny Walker.’

Sa isang pahayag, sinabi ng komisyon na agad naglunsad ang kanilang field office sa Northern Mindanao ng Quick Response Operation para sa motu propio investigation sa karumal dumal na krimen na naganap noong November 5.

Ayon sa CHR, kabilang sa nais nilang tukuyin sa imbestigasyon kung may kinalaman sa kanyang trabaho ang motibo ng pagpaslang sa broadcaster.

Bukod dito, tututukan din aniya ng CHR ang mga maaaring rekomendasyon upang lalong maprotektahan ang karapatan at kapakanan ng mga mamamahayag sa bansa.

Kasunod nito ang panawagan ng komisyon sa agarang pagkamit ng hustisya at pagpapanagot sa sinumang nasa likod ng krimen.

Punto ng CHR, labis na nakakaalarma ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kawani sa media na napapaslang at nabibiktima ng karahasan.

“CHR condemns this brazen act of arbitrarily depriving a person of their right to life. CHR expresses further concern as the victim was a journalist—fourth killing under the current administration and 199th since 1986. Our independent investigation also seeks to determine if the killing is work-related. We recognise, however, the chilling effect of this violent attack that continues to make the country a dangerous place for journalists,” pahayag ng CHR. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us