Muling nagpaalala ang Metro Manila Development Authority na wala silang sasantuhin sa paghuli ng mga lalabag o dadaan sa EDSA Bus Lane sa kabila ng pagtataas sa P5,000 ng multa simula November 13.
Ayon kay MMDA Acting Chairperson Atty. Romando Artes, sa laki ng multa ay sana hindi na tangkain pa ng mga motorista na pumasok sa bus lane.
Paglilinaw naman ni Artes, ang naturang hakbang ay hindi maituturing na panggigipit sa mga mahihirap at hindi upang makalikom ng pera.
Sa huli, muli namang paalala ni Artes sa mga pasaway na dumadaan sa natruang bus lane, huwag nang dumaan rito upang hindi na mauwi sa malaking multa. | ulat ni AJ Ignacio