Anggulong “drag racing” sa aksidente na ikinasawi ng 4 na lalaki sa Marcos Highway, isinantabi ng Antipolo PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

“Walang nangyaring drag racing sa Marcos Highway kahapon”.

Ito ang inihayag ng Antipolo City Police matapos makuha nila ang aktwal na CCTV footage bago ang malagim na aksidente sa Marcos Highway na ikinasawi ng apat na binatilyo.

Ayon kay Antipolo City Police Chief PCol. Ryan Manongdo, walang ka-karera at sadyang mabilis lang ang patakbo ng kotse na sumalpok sa truck.

Sa katunayan ay kita pa nga ang skid mark ng sasakyan sa kalsada.

Dahil dito, sinabi ni Manongdo na walang pananagutan ang driver ng truck sa aksidente.

Lumalabas kasi sa kanilang imbestigasyon na walang kapabayaan na maituturing na “contributory factor” sa aksidente.

Samantala, muli namang nagpaalala si Manongdo sa mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho sa anumang kalsadang tinatahak lalo na kung madaling araw. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us