Bagong proklamang barangay kagawad, binaril at napatay sa Pasay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Subject ngayon ng manhunt operation ng Pasay City Police ang gunman na bumaril at nakapatay ng isang bagong proklamang barangay kagawad sa loob ng barangay hall sa Pasay City.

Sa ulat ng Pasay City Police na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Marcelina Camacho, 58, dating barangay secretary na nanalo bilang barangay councilor ng Brgy. 37, sa nakalipas na Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE).

Idineklara ang biktima na dead on arrival sa Adventist Medical Center pasado alas-8 kagabi, matapos barilin ng dalawang beses ng gunman sa loob ng barangay hall sa San Juan St., pasado alas-5 ng kahapon.

Tumakas ang gunman na naka-angkas sa motor pero nabangga nito ang isang sibilyan, na naging dahilan ng agarang pag-aresto ng drayber ng motor ng mga tauhan ng Pasay City Police Drug Enforcement unit na nagpapatrolya sa lugar.

Kinilala ang arestadong drayber ng motor na isang alyas “Vladimer”, 27; habang hindi pa nakikilala ang gunman na nakatakbo at nakatakas. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us