Mga mangingisda na nasangkot sa maritime incident sa West Philippine Sea, pinagkalooban na ng tulong ng DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatanggap na ng iba’t ibang klase ng tulong ang mga pamilya ng 14 na mangingisda na nasangkot sa maritime incident sa Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea noong Oktubre 2.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Central Luzon Regional Director Venus Rebuldela, kabuuang P190,000 na halaga ng tulong ang ipinagkaloob ng DSWD FO-3 sa mga mangingisda.

Kabilang dito ang food aid na nagkakahalaga ng P70,000; educational assistance na P90,000; at burial assistance na nagkakahalaga ng P30,000.

Batay sa ulat, tatlong mangingisda kabilang ang kapitan ng fishing vessel na FFB Dearyn ang namatay ng mabangga ng foreign vessel.

Nauna nang pinagkalooban ng social workers ng psychosocial intervention ang 11 mangingisda na nakaligtas, at sa mga naulilang pamilya ng tatlong nasawing mangingisda. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us