Crime rate sa Quezon City, bumaba ng 39.47% — QCPD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagmalaki ng Quezon City Police District ang pagbaba ng walong focus crimes sa Quezon City.

Ayon kay QCPD Director Police Brigadier General Redrico Maranan, resulta ito ng pinaigting na kampanya ng QCPD laban sa lahat ng uri ng kriminalidad.

Ang walong focus crimes ay ang kasong murder, homicide, physical injury, rape, theft, robbery, car theft, at motorcycle theft.

Sabi pa ni General Maranan, nakapagtala ang QCPD ng 23 incidents mula Nobyembre 6-12, 2023 kumpara sa 38 incidents na naitala noong Oktubre 30-Nobyembre 5, 2023.

Ipinapakita ng datos ang pagbaba ng 15 incidents o 39.47%.

Naitala din ang higit sa 95% na Crime Clearance Efficiency habang ang Crime Solution Efficiency (CSE) ay tumaas ng 91.3%.

Samantala, tuloy-tuloy din ang pagbaba ng street crimes sa walong incidents o 72.73% mula noong nakaraang linggo. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us