Nag-utos na ng suspension ng klase sa lahat na antas sa pribado at pampublikong paaralan ngayon araw, ang siyam na local government units o LGUs sa lalawigan ng Albay, alinsunod sa Disaster Risk Reduction Council Advisory ng mga ito, gaya ng lungsod ng Legazpi, Ligao, mga bayan ng Camalig, Daraga, Guinobatan, Sto Domingo, Polangui, at Oas. Inaasahang susunod rin ang ibang bayan at lungsod sa probinsiya na hindi pa nag-utos ng suspension of classes.
Ang naging desisyon ng nasabing mga LGUs ay salig sa weather update ng PAGASA ukol sa Shear Line, at low pressure area o LPA.
Pinapayuhan ang lahat na barangay, at mga nakatira malapit sa ilog, at mga lugar na may banta ng pagguho ng lupa, at lahar flow na maghanda sa posibleng paglikas sa mas ligtas na lugar.
Bawal narin pansamantala ang mga tourism activities gaya ng pagtawid sa ilog, pag-akyat sa mga bundok, gaya ng Bulkang Mayon. Gayundin, ang paglalayag ng mga maliit na sasakyang pandagat. | via Nancy Mediavillo | RP1 Albay