Online scammer na nagpanggap na NCRPO chief, arestado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaresto ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang isang umano’y online scammer na nagpanggap sa social media bilang si NCRPO Director Police Brig. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. para manghingi ng donasyon.

Sa ulat ni NCRPO spokesperson Lt. Col. Eunice Salas na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang suspek na si Darell John Green, na African-American descent.

Nahuli ang suspek sa Barangay Barreto, Olongapo City nitong Nobyembre 11 sa kasong robbery at apat na count ng qualified theft.

Base sa imbestigasyon, ginamit umano ng suspek ang pekeng Facebook account ni Nartatez para mag-solicit ng donasyon para sa basketball uniform, na ipinapadala sa pamamagitan ng G-cash.

Ayon kay Salas, gumawa din ng mga pekeng social media account ang suspek ng iba pang pulis opisyal, kabilang si Quezon City Police District (QCPD) chief Brig. Gen. Redrico Maranan at Col. Froilan Uy, ang dating Pasay City chief of police, na ginamit sa mga iligal na aktibidad.

Ang suspek ay kasalukuyang nakadetine sa Camp Bagong Diwa, at nahaharap sa mga karagdagang kaso ng computer-related identity theft at estafa kaugnay ng Cybercrime Prevention Act of 2012. | ulat ni Leo Sarne

📷: NCRPO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us