Kaso sa mga umano’y sangkot sa pagkawala ng Batangas beauty queen, posibleng madagdagan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Posibleng madagdagan ang reklamong inihain laban sa mga umano’y sangkot sa pagkawala ng Batangas beauty queen na si Catherine Camilon.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, ipinaliwanag ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo na sa ngayon ay kidnapping with serious illegal detention ang kinakaharap nina: Police Maj. Allan Avena de Castro, Jeffrey Ariola Magpantay at dalawang John Does, dahil hindi pa rin natatagpuan si Camilon simula nang ideklara itong nawawala noong October 12, 2023.

Ayon kay Fajardo, nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kaso, at kung may makukuhang karagdagang ebidensya ang pulisya, ay agad na maghahain ng mas mabigat na kaso ang PNP laban sa mga nabanggit na indibidwal.

Ayon kay Fajardo, si Maj. de Castro ang umano’y katagpuan ni Camilon bago siya iniulat na nawala, base sa mga text message ng beauty queen sa kanyang kaibigan.

Habang si Magpantay naman ang nakita ng mga testigo na naglipat ng duguang babae mula sa isang Nissan Juke patungo sa pulang CRV na narekober ng pulisya noong nakaraang linggo sa Batangas City. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us