Tama lang ang naging desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na baguhin ang implementing rules and regulations (IRR) para sa Maharlika Investment Fund (MIF) upang maging compliant sa layunin ng batas.
Ayon kay House Majority Leader Mannix Dalipe, may mga lumang probisyon sa IRR na hindi itinatakda ng batas na posibleng mauwi sa Constitutional challenge.
Isang halimbawa aniya ang probisyon sa kwalipikasyon sa edukasyon, professional experience, at track record na hindi kasama sa deliberasyon ng Kongreso nang ipasa ang panukala.
Mas matagal din umano ang aabutin ng selection process ng MIF Board base sa lumang IRR na magpapaantala sa implementasyon ng batas at maaaring ikadismaya ng potential investors.
“The old IRR has so many provisions that were not contemplated as part of the IRR when we crafted and approved RA 19953. Some details were added in the IRR that are not supposed to be there. In the old IRR, the selection process of the MIF Board could take months which could potentially delay the implementation of this very crucial economic law. So many delays could be a source of disappointment for potential investors,” sabi ni Dalipe
Sinang-ayunan din ng Majority leader na bigyang kapangyarihan ang pangulo na tanggapin o ibasura ang mga nominado para sa directors at President and CEO na kasali sa shortlist ng Advisory Body. | ulat ni Kathleen Forbes