Pag-deploy ng bus marshals, kinokonsidera ng PNP kasunod ng insidente sa Nueva Ecija

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinokonsidera ng Philippine National Police (PNP) ang pagde-deploy ng mga bus marshal para pangalagaan ang seguridad ng mga biyahero.

Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief at Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo kasunod ng insidente ng pamamaril sa loob ng Victory Liner bus, habang bumibiyahe sa Carranglan, Nueva Ecija kahapon.

Ang insidente ay nakuha sa dash cam, kung saan nakitang binaril ng ilang beses ng malapitan ng dalawang suspek ang dalawang biktima, bago pinahinto ang sasakyan at bumaba.

Ayon kay Fajardo, hindi ito ang unang pagkakataon na magde-deploy ng bus marshals ang PNP, at ginawa na ito noon sa Mindanao noon.

Kasabay nito, sinabi ni Fajardo na nakikipag-ugnayan ang PNP sa iba’t iba’t kumpanya ng bus para mas mapalakas ang seguridad sa mga terminal. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us