PNP, may person of interest na kaugnay ng nangyaring pamamaril sa loob ng isang bus sa Nueva Ecija

Facebook
Twitter
LinkedIn

May tinitingnan nang person of interest ang Philippine National Police hinggil sa nangyaring pamamaril sa isang mag-live in partner sa loob ng isang bus sa Carranglan, Nueva Ecija kamakalawa.

Ito’y ayon kay PNP Public Information Office Chief, P/Col. Jean Fajardo kasunod ng isinasagawang malalimang imbestigasyon ng Nueva Ecija Police Provincial Office.

Kabilang sa mga tinitingnan dito ani Fajardo ay ang alitan sa pagitan ng 60 taong gulang na babaeng biktima sa anak nito na kinasuhan ng carnapping.

Sa ngayon aniya, kasalukuyang nakalaya ang anak ng biktima sa bisa ng piyansa.

Sinabi pa ni Fajardo, sinusuri na ring maigi ang dashcam footage ng bus kung saan ginawa ang krimen upang matukoy ang posibleng pagkakakilanlan ng mga salarin na posibleng miyembro ng gun for hire group. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us