Hibla ng buhok na nakuha sa pulang CRV, nag-match sa DNA ng magulang ng nawawalang beauty queen

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-match ang DNA sample mula sa magulang ng nawawalang beauty Queen na sa Catherine Camilon sa hibla ng buhok na nakuha sa pulang CRV na narekober ng mga pulis.

Sa pulong-balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo na pinapatunayan nito na sumakay ang biktima sa pulang CRV.

Matatandaang sinabi ng mga testigo na nakita nila na inililipat ang isang duguang babae mula sa Nissan Juke na sasakyan ni Camilon patungo sa naturang pulang CRV.

Ayon kay Fajardo, malaki ang maitutulong ng resulta ng DNA test dahil magpapatibay ito sa testimonya ng mga testigo.

Iniulat din ni Fajardo na natapos na rin ang DNA testing sa umano’y blood sample na narekober sa pulang CRV pero hinihintay pa ang opisyal na report ng PNP Forensic Group. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us