Pinangunahan ni Senator Bong Go ang inagurasyon at turnover ceremony ng kauna-unahang Super Health Center sa Sorsogon City.
Ilan sa mga libreng serbisyong inaalok ng nasabing center ay ang medical emergency, ultrasound,birthing, dental, X-ray, pharmacy, laboratory, at ambulatory surgical unit.
Bukod rito, nakapaloob din ang serbisyong medikal tulad ng sa mata, physical therapy, oncology center, rehabilitation center at maging ang telemedicine.
Ang Super Health Center ay isa sa mga prayoridad na proyekto ng senador katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan at Panlungsod na makakatulong sa pagpapalakas ng sistemang pangkalusugan ng lalawigan.| ulat ni Garry Carl Carillo| RP1 Albay