MIAA, magsasagawa ng electrical maintenance activity sa NAIA sa Nobyembre 29

Facebook
Twitter
LinkedIn

Upang mas mapaigting pa ang power reliability ng NAIA Terminal 3 dahil sa inaasahang dagsa ng airline passengers sa darating na Pasko at Bagong Taon, magsasagawa ng electrical maintenance activity ang Manila International Airport Authority na mag-uumpisa sa Miyerkules, Nobyembre 29.

Ayon kay MIAA OIC General Manager Bryan Co, ito’y upang bigyan ng upgrade ang ilang electrical components ng Terminal 3 upang mas maging reliable na ang suplay ng kuryente.

Dagdag pa ni Co, kasama ang Meralco sa pag-integrate ng kanilang power supply sa electrical system ng NAIA terminal 3 at tatagal ang nasabing maintenance hanggang Disyembre 13.

Nauna nang humingi ng paumanhin si Co sa mga pasahero dahil sa naturang system maintenance sa paliparan ngunit makakaasa naman ang mga pasahero na mas magigin komportable na ang pasilidad kapag natapos na ang gagawing maintenance.

Samantala, mayroon namang contingency plan ang MIAA sakaling magkaroon ng aberya sa naturang paliparan habang isinasagawa sng maintenance activity. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us