Mga bagong halal na opisyal ng BSK sa embo barangays, piniling manumpa sa lungsod ng Makati

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanumpa kay Makati City Mayor Abby Binay ang mga bagong halal na opisyal ng 10 barangay na inilagay ng Korte Suprema sa ilalim ng hurisdiksyon ng Taguig.

Nasa 140 na bagong halal na barangay chairpersons at kagawad at SK chairpersons at kagawad mula sa Cembo, Comembo, East Rembo, Pembo, Pitogo, Post Proper Northside, Post Proper Southside, South Cembo, West Rembo at Rizal ang sumama sa panunumpa.

Ipinahayag ni Mayora Abby ang kanyang pasasalamat sa mga lokal na opisyal sa kanilang dedikasyon at katapatan sa Makati at sa Proud Makatizens.

Ayon sa alkalde, natutuwa siyang makita ang tapang at katapatan ng mga opisyal na ipakita ang kanilang kumpiyansa at tiwala sa kanyang pamumuno na pangunahing pinapahalagahan ang pagpapabuti sa kalidad ng buhay ng Proud Makatizens.

Nanawagan din siya sa mga bagong halal na opisyal na paglingkuran nang maayos sa abot ng kanilang makakaya ang kanilang nasasakupan bilang kapalit ng tiwala na ibinigay sa kanila ng Makatizens. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us