Mga inmate sa Iwahig Prison, magbebenepisyo na sa pananim na proyekto ng DA at DOJ

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maha-harvest na sa buwan ng Disyembre ang mga pananim ng persons deprived of liberty (PDlLs) sa pilot technology demonstration farms sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Palawan.

Ayon sa Department of Agriculture (DA) inaasahang makapag-aani ng 96.8 metric tons ng palay at high value crops, sa 4.5 ektaryrang lupain na kikita ng P7.3 milyon.

Ang demo farms ay binuo ng mga PDL na sinamay sa produksyon ng high-value crops at palay sa pamamagitan ng DA at Department of Justice Reformation Initiative for Sustainable Environment for Food Security o DAxDOJ RISE Project.

Mula Hulyo ngayong taon, hindi bababa sa 70 persons deprived of liberty ang sinanay para sa proyekto.

Ang kikitain sa farm ay gagamitin ng Bureau of Corrections (BuCor) upang palawakin ang agricultural development activities nito.

Gagamitin ang mga nakatiwang-wang na lupain upang masuportahan ang food security campaign ng pamahalaan. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us