Backlog sa pamamahagi ng pensyon sa mga indigent senior citizen, pinareresolba ni Senador Angara sa DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinareresolba ni Senate Committee on Finance chairman Sonny Angara sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga isyu na nagiging dahilan ng delay sa pamamahagi ng social pensyon para sa mga mahihirap na senior citizen.

Ayon kay Angara, nakakabahala ang binanggit ng DSWD na mayroong 466,000 na backlog sa pagbibigay ng social pension.

Giniit ng senador na mahalaga para sa ating mga lolo at lola ang cash aid na ito para sa kanilang pang araw araw na pangangailangan, lalo na sa kanilang maintenance at gamot.

Giit ng senador, nasa P50 million ang inilaan sa ilalim ng 2024 National Budget para sa P1,000 monthly social pension ng nasa apat na milyong indigent senior citizen

Pero noong interpellation ng panukalang 2024 budget ng DSWD, napag-alaman na nasa 500,000 na eligible indigent senior citizen ang hindi pa nakakasama sa mga benepisyaryo ng naturang programa.

Pinaalalahanan rin ni Angara ang lahat ng mga concerned merchant na kilalanin ang mga discount at pribilehiyo para sa mga senior citizen, sa gitna ng mga ulat na ilang establisyimento ang hindi nagbibigay ng mga ito.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us