Tauhan ng BFP na umano’y nangikil sa mga aplikante, arestado ng CID sa Zamboanga del Sur

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nahuli ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) na umano’y nangingikil sa mga aplikante.

Kinilala ang suspek na si Fire Officer 3 Jesson Albios Casanes, 35, na naka-assign sa Isabela City Fire Station, Isabela City, Basilan Province at residente ng Purok Malaumon, Barangay Poblacion, Malangas, Zamboanga Sibugay.

Inaresto ang suspek sa entrapment operation kahapon ng umaga sa Purok Crossing, Bgy. Sicade, Kumalarang, Zamboanga del Sur.

Ito’y matapos tumanggap ng P400,000 extortion money mula sa isang aplikante kapalit ng garantisadong pagtanggap nito sa BFP.

Ang operasyon ay inilunsad sa pakikipagtulungan ng BFP, bilang bahagi ng pagsisikap na mapatigil ang ganitong kalakaran na nambibiktima ng mga nais magbumbero.

Hinimok naman ng CIDG ang iba pang posibleng nabiktima ng suspek, na lumutang at maghain din ng reklamo sa kanilang tanggapan sa PNP Zamboanga del Sur Provincial Office. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us