Surigao solon, susubukang maihabol sa bicam ang pampondo sa rehabilitasyon ng mga nasirang istruktura dahil sa lindol

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aminado si Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na maraming istruktura sa kanilang probinsya ang nasira matapos tumama ang 6.9 magnitude na lindol sa bayan ng Hinatuan sa Surigao del Sur.

Karamihan aniya dito ay mga barung-barong na bahay at covered court.

Kasalukuyan din aniya nilang inaalam kung may casualty dahil sa pag-yanig.

Susubukan naman aniya niya kausapin si Speaker Martin Romualdez kung paano mapopondohan ang rehabilitasyon ng mga nasira sa kanilang probinsya.

Susubukan aniya niyang mapakaiusapan na maihabol pa ito sa panukalang 2024 national budget na kasalukuyan nang nakasalang sa bicam.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us