Inilabas na ng Philippine National Police (PNP) ang mga pangalan at larawan ng dalawang persons of interest sa pambobomba sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi.
Kinilala ni PNP Public Information Office Chief at Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo ang mga ito na sina: Kadapi Mimbesa alyas “Engineer” at Arsani Membisa alyas “Khatab”, “Hatab” at “Lapitos”.
Ayon kay Fajardo, ang dalawa ay kapwa miyembro ng Daulah Islamiyah terrorist group at mga dati na ring nasangkot sa ilang insidente ng pagpapasabog sa Mindanao.
Nanawagan naman ang PNP sa sinumang may impormasyon na makakatulong sa pagdakip ng dalawa na makipag-ugnayan sa mga awtoridad. | ulat ni Leo Sarne